Cauayan City, Isabela, Naging Abala sa Sabayang Paglilinis Kontra Dengue!

*Cauayan City, Isabela*- Naging abala ngayong araw ang Lungsod ng Cauayan sa paglilinis sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok kaugnay sa executive order no. 19 of 2018 na nilagdaan ni Isabela Governor Faustino Bojie Dy III para sa Todas-Dengue, Todo na to (Ika-limang Kagat).

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Edgardo “Egay” Atienza, ang Chairman ng Committee on Labor and Economic Enterprises at Chairman ng Committee on Land Use Urban Development and Housing, idineklara ng pamahalaang Panlalawigan bilang Non-Working holiday ngayong araw upang mas lalong paigtingin ang kampanya kontra dengue na dulot ng mga lamok.

Aniya, numero uno umano nilang tinutukan ang paglilinis sa mga paaralan dahil kadalasan umano sa mga tinatamaan ng sakit na dengue ay ang mga mag-aaral.


Ayon pa kay Councilor Atienza, nakipagkoordinasyon rin umano sila sa mga barangay officials maging sa mga LGU’s upang makiisa sa Todas-Dengue, Todo na to (Ika-limang Kagat).

Sa ngayon ay nakapagtala na ang Isabela Provincial Health Office ng mahigit isang libong kaso ng sakit na dengue at mayroon ng lima ang naitalang namatay dahil sa dengue.

Facebook Comments