Cauayan City, Isabela, Nakasungkit ng SGLG Award!

*Cauayan City, Isabela- *Malaki ang naging pasasalamat ni Cauayan City Mayor Bernard Dy dahil napasama sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ang Lungsod ng Cauayan ngayong taon.

Ito ay dahil umano sa magandang serbisyo na inihahatid ng mga empleyado ng LGU Cauayan sa mga CauayeƱo.

Aniya, Napabilang narin umano noong nakaraang taon sa SGLG Award ang Lungsod ng Cauayan.


Dahil dito ay mas lalo pa umano nilang pagbubutihin ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko upang mapanatili ang kanilang nasungkit na parangal.

Facebook Comments