Top 3 Most Wanted sa Cauayan City, Isabela, Nadakip Na!

*Cauayan City, Isabela- *Nadakip na ng mga otoridad ang Top 3 Most Wanted sa Lungsod ng Cauayan matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas tres ngayong hapon sa Brgy Gappal, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang andakip na suspek na si Marvin Butac Agcaoili, bente dos anyos, binata, isang helper at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Marvin sa bisa ng Warrant ng Arrest na inihain ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Panggagahasa at walang inirekomendang piyansa.


Nakapiit na sa PNP Cauayan ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments