Cauayan City, May Pinakamataas na Active Cases ng COVID-19 sa Region 2

Cauayan City, Isabela-Naikategorya ngayon ng Department of Health (DOH) region 2 na may pinakataas na aktibong kaso ng COVID-19 ang Cauayan City batay sa kanilang pinakahuling datos na inilabas.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal ng DOH region 2, sumampa na sa 69 ang active cases.

Sinundan na ito ngayon ng Tuguegarao City na may 56 na aktibong kaso; City of Ilagan na may 41at Santiago City na may 29.


Batay naman sa workplace transmission, nananatili LGU Tumauini facility matapos maitala ang 15 kaso ng hawaan sa lugar.

Sa Local Transmission in Enclosed Facility, kabilang ang tanggapan ng PNP Tuguegarao na nakabase sa Balzain East at Solana Police Station.

Sa ngayon ay nasa kabuuang 5,349 ang mga naitalang tinamaan ng virus sa rehiyon; 390 ang nananatiling aktibo at 85 ang naitalang binawian ng buhay may kaugnayan sa COVID-19.

Facebook Comments