Cauayan City Mayor Bernard Dy, Pinarangalan!

Cauayan City, Isabela – Pinarangalan bilang isa sa Outstanding Young Men sa bansa si Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy.

Ayon sa punong lungsod, ang Outstanding Young Men and Women 2018 ay isa umano sa napakahaba at prestihiyosong award winning body para sa mga sektor ng kabataan dahil sa nasa apatnapung taong gulang ibinibigay ang nasabing award.

Iginiit pa ng Mayor na sampung taon na niyang sinaksihan ang awarding ceremony nito dahil sa co-host umano dito ang Junior Chamber International (JCI).


Aniya, ito narin umano ang nagbigay sa kaniya ng inspirasyon na gawing kakaiba ang kaniyang serbisyo bilang pinuno ng lungsod kung saan ay maswerte namang nakabilang sa 2018 awarding.

Pahayag pa ni Mayor Dy na dahil sa nasabing award ay mas lalo pang paiigtingin ang posibong pagbabago sa lungsod ng Cauayan at ang award umano ay para sa lahat ng Cauayeño.

Ipinagmalaki pa ng Mayor na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahirang siya bilang Outstanding Young Men sa bansa at naging mahirap umano ang kompetisyon dahil sa napakaraming naging nominado sa buong bansa.

Samantala, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbibigay ng award at maaring sa darating na December 20 o 21, 2018 kung saan ay gaganapin sa Palasyo ng Malacañang.

Facebook Comments