NILINAW | BOC, nagpaliwanag na walang endorsement letter mula kay House Speaker Gloria Arroyo

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na wala silang natatanggap na sulat o rekomendasyon mula kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nag endorso sa isang applicant para sa position sa naturang Bureau.

Ang naturang pahayag ng BOC ay bunsod na rin sa statement ni House Speaker at former President Arroyo na hindi si kailanman nag endorso ng alinmang applicant sa anumang posisyon sa gobyerno.

Matatandaan na mayroong kumakalat na ulat na mayroon umanong pekeng signatures ni Speaker Arroyo, at isa rito umano ay ini endorso ang isang applicant sa Bureau of Customs.


Masusing beneberipika ng BOC ang naturang fake letter na nakarating sa iba’t ibang major offices ng Bureau at nakumpirma na walang ganung sulat na kanilang natanggap.

Giit ng BOC na mahigpit nilang ipinatutupad ang mandato ng Civil Service Commission tungkol sa mga Applicants na mag aapply ng trabaho dahil hindi na kailangan umano ng anumang recommendation o kaya endorsement letters mula sa mga pulitiko para lamang matanggap sa trabaho.

Facebook Comments