Cauayan City, Nagdeklara ng ‘State of Calamity’ dahil sa Pinsala sa Sektor ng Agrikultura

*Cauayan City, Isabela*- Isinailalim na sa ‘State of Calamity’ ang Lungsod ng Cauayan dahil sa pinsalang dulot ng malawakang pagbaha sa sektor ng agrikultura sa mga nagdaang araw.

Sa isinagawang special session kahapon ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ay umabot ng 30% ang sira sa sektor ng agrikultura.

Ayon naman kay City Agriculturist Constante Barroga, umabot sa 22.8 milyong piso ang Damage Assessment habang naitala ang mahigit sa 2 libo ektarya ng mais sa lungsod ang hindi na mapapakinabangan habang mahigit din sa 2 libong ektarya ang posibleng mapakinabangan.


Naitala naman ang pinsala sa may mahigit sa 100 ektarya ng palayan at 20 ektarya ng gulayan sa lungsod habang apektado naman ang may 2,500 na magsasaka dahil sa pinsala.

Posible namang madagdagan pa ito sakaling maisapinal ang kabuuang pinsala sa imprastraktura.

Tiniyak naman ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan na tutugunan ang problema ng mga magsasaka upang makapagsimula muli.

Courtesy: City Agriculture Office/ Ricardo Alonzo



Facebook Comments