Lalaki, Patay sa Salpukan ng Kulong-kulong at Kotse sa Santiago City!

47

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival ang drayber ng kulong-kulong matapos salpukin umano ng kanyang kasalubong na kotse sa Provincial Highway sa P-1 Baluarte, Santiago City.


Nakilala ang namatay na si Joe Villegas, drayber ng kulong-kulong at pasahero nitong sugatan na si Lorenzo Alamani, nasa tamang edad at kapwa residente ng Batal ng nasabing lungsod.

Habang ang kotse ay minamaneho ni Vangel Aggabao, 41-anyos, residente ng P-2, Balintocatoc, Santiago City.

Dakong 8:45 kagabi nang patungo sa kalungsuran ang kulong-kulong na may plakang BP 14025 na minamaneho ng biktima habang ang kulay itim na kotse naman na may plakang WCC 471 ay patungo sana sa Barangay Balintocatoc sa nasabing lungsod nang magsalpukan ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng salpukan ay tumilapon ng halos 35 na metro ang biktima kasama ang kanyang pasahero na sanhi ng pagkamatay ni Villegas.

Habang ang drayber ng kotse na si Aggabao at isa nitong pasahero ay dinala rin sa pagamutan sa Lungsod ng Santiago.

Facebook Comments