Cauayan City National High School Cabaruan Extension, Bigong Makuha ang Kampeonato sa Matagoan Festival sa Tabuk City, Kalinga!

Cauayan City, Isabela – Nabigo ang Cauayan City National High School Cabaruan Extension na makuha ang kampeonato sa katatapos lamang na Matagoan Festival sa Tabuk City, Kalinga.

Sa pakikipanayam ng RMN Cauayan kay Dr. Renato Barrientos, ang school Principal ng Cabarauan Extension, na kahit bigong maiuwi ang kampeonato ay nagagalak pa rin umano ang kanyang mga estudyante dahil nakuha pa rin umano nila ang pang-apat na pwesto.

Aniya, masaya pa rin umano sila dahil naipakita nila ang kanilang talento sa pagsasayaw at naipakita ng maayos ang kultura ng mga Tribu Gaddang.


Dagdag pa nito, nakatanggap ang grupo ng isangdaang libong piso bilang gantimpala sa kanilang pakikilahok sa naturang kompetisyon.

Samantala, tinanghal bilang kampeon ang mga mananayaw ng Aritao, Nueva Viscaya na sinundan naman ng Balatong Festival ng San Mateo, Isabela at nakuha naman ng host Tabuk City ang pangatlong pwesto.

CCNHS Cabaruan Extension, DWKD985Cauayan, RMN Cauayan, Luzon, isabela, Cauayan City

Facebook Comments