Cauayan City, Isabela– Kasabay ng pagbabalik eskwela ngayong araw ng libo-libong mag aaral ang kakulangan naman sa mga guro ang isang problema ng Cauayan City National High School sa Lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong John Mina, School Principal ng Cauayan City National High School, aniya kulang ang mga guro sa nasabing paaralan at isang hamon ito para matutukan ang mga mag aaral sa kabila ng kakulangan ng mga pampublikong guro.
Tiniyak naman ni Ginoong Mina na maayos at sigurado na magagampanan ng lahat ng guro ang kani-kanilang pagtuturo sa mga estudyante.
Gayunman, irerenew ang mga kontrata ng mga gurong nasa ilalim ng Job Order mula sa Junior at Senior High School upang higit na matugunan ang kakulangan ng mga guro sa nasabing paaralan.
Sa kabuuan ay nasa dalawang libo ang bilang ng mga mag aaral ng Junior at Senior High School.
Nagpaalala naman si Ginoong Mina sa mga mag aaral na sumunod sa mga alituntunin ng paaralan gaya ng ‘Close Gate Policy’ dahil mahigpit itong ipatutupad ng paaralan para sa tiyak na seguridad ng mga mag aaral.