Cauayan City National High School, Makikiisa Sa National Simultaneous Earthquake Drill!

Cauayan City, Isabela – Makikiisa ang Cauayan City National High School sa National Simultaneous Earthquake Drill sa darating na buwan ng Hulyo bilang bahagi sa aktibidad ng School Risk Reduction Management Council o SRRMC tulad ng earthquake drill, flood drill at fire drill.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Dr. John Mina, ang Principal ng Cauayan City National High School na bawat taon ay nakikibahagi ang naturang paaralan dahil ito umano ay isang nasyonal na aktibidad sa mga paaralan.

Dahil dito nagbigay na umano ng kautusan si Dr. Mina sa mga estudyante ng CCNHS na maghanda ng kanilang sariling gawa na sumbrero tulad ng bunot ng niyog upang hindi na kailangang bumili o gumasto ng malaking halaga.


Kaugnay pa nito, mayroon umanong quick reaction team bawat grade level na magiging gabay sa mga estudyante papunta sa ruta ng evacuation center.

Sinabi pa ni Dr. Mina na magkakaroon din ng pagpupulong ang bawat team upang maging maayos ang isasagawang National Simultaneous Earthquake Drill.

tags;Luzon,RMN News Cauayan,DWKD 985 Cauayan,CCNHS

Facebook Comments