Philippine Azkals, target dalhin sa World Cup

Manila, Philippines- Target ng bagong head coach ng Philippine Azkals na dalhin ang national Team sa World Cup.

Ayon kay Terry Butcher, alam niya ang potensyal ng Azkals kaya kumpiyansa siyang maaabot nila ang nasabing target.

Kung sa unang pagkakataon ay nakapasok ang Azkals sa 2019 Asian Cup, hindi malayong makarating din sila sa World Cup.


Kasabay nito, pinuri ni Butcher ang dating head coach na si Tomas Dooley dahil sa pag-angat ng ranking ng national team sa ika-115 puwesto sa Federation Internationale De Football Association (FIFA).

Facebook Comments