Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Primitivo Gorospe, Principal ng Cauayan City National High School, kahit na masungit ang nararanasang panahon ay hindi pa rin aniya ito hadlang para sa puspusang paghahanda ng kanilang mga napiling atleta.
Katatapos lamang ng Division Tryout sa Lungsod para sa pagpili sa mga atletang isasabak sa iba’t-ibang larangan ng Palakasan sa DEPED DOS RISE na isasagawa sa April 25 hanggang 28 ngayong taon.
Kaugnay nito ay nagsagawa ngayong araw ng Regional Invitational Sporting Events Board meeting ang mga principal mula sa iba’t-ibang paaralan sa rehiyon kasama ang iba pang opisyales at staff ng DEPED sa pangunguna ni Regional Director na si Dr. Benjamin Paragas.
Magkakaroon naman ng inhouse training ang mga manlalaro sa April 11 hanggang sa araw ng pagsasagawa ng Regional Invitational Sporting Event.
Tiwala naman si Gorospe na mas palaban ngayon ang mga manlalaro sa Lungsod dahil magagamay na nila ang mga pasilidad ng Cauayan City Sports Complex na kanilang ginagamit sa pagsasanay ngayon.
Ayon pa kay Gorospe, ipatutupad pa rin sa mismong araw ng kompetisyon ang minimum health protocols para maiwasan pa rin ang posibleng pagkalat ng virus.
Nilinaw din ng Principal na lahat ng mga lalahok na atleta ay bakunado kontra COVID-19 at sila ay pinayagang sumali ng kanilang mga magulang.