Cauayan City, Isabela-Nakapagtala ang Cauayan City Police Station ng may pinakamaraming bilang ng mga naarestong katao laban sa kampanya kontra iligal na droga sa isinagawang One-Day Regionwide Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) kamakailan.
Ito ay natatanging pagkilala ng Police Regional Office 2 sa mga bayan at siyudad na patuloy ang pagsasagawa ng aktibidad laban sa kriminalidad.
Ayon kay PLTCol. Gerald Gamboa, hepe ng PNP Cauayan, hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa tulong ng mga residente sa bawat barangay.
Walang makapipigil aniya sa kanilang kampanya kontra iligal na droga sa kabila ng nasa new normal dahil sa kinakaharap na pandemya.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang paghahatid tulong ng mga kaspai ng pulisya sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
Tiniyak rin ni LtCol. Gamboa na hindi titigil ang kapulisan para tuluyang puksain ang sumisira sa lipunan na iligal na droga.