Cauayan City Sports Development Office, Pinaghahandaan ang Pagsasanay ng mga Atletang Ilalaban sa CAVRAA 2019!

Cauayan City, Isabela – Pinaghahandaan na ng Cauayan City Sports Development Office ang pagpili at pagsasanay sa mga atletang ilalaban sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA 2019.

Ayon kay ginoong Jonathan Medrano, ang Cauayan City Sports Development Officer na puspusan umano ang kanilang pag-iikot sa bawat barangay dito sa lungsod ng Cauayan upang malaman at makita ang mga kabataan na may kakayahan at kaalaman sa paglalaro.

Aniya nagsimula na umano sila sa pagsasanay ng mga atletang ilalaban sa darating na CAVRAA kung saan ito ay isinasagawa sa araw ng Biyernes at Sabado.


Samantala naniniwala umano si ginoong Medrano na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng imformation drive ay mahihikayat ang mga kabataan na maglaro na lamang ng sports at mailalayo sila sa paggawa ng masama.

Facebook Comments