RED ALERT | Pre-emptive Evacuation Isinasagawa na sa ilang Barangay sa San Carlos City, Pangasinan!

Lingayen – Sa pagbubukas ng ika-anim na gate ng San Roque Dam isinasagawa ngayon ang pre-emptive evacuation sa mga residente ng Barangay Supo, San Carlos City lalo ng mga bata at mamatatanda dahil narin sa mabilis na pag-apaw ng tubig sa mga kailugan na parte ng Agno River System ayon sa PIO Pangasinan.

Ang nasabing pre-emptive evacuation ay pinangungunahan ni San Carlos City PNP Station Police OIC Chief Superintendent Ferdinand de Asis sa pakikipagtulungan ng local na CDRRMO, CHO, BFP, at POSO nito.

Sa ngayon kaparehong sitwasyon ang isinasagawa para sa mga reisdente sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan at ilan pang mga bayan na daraanan ng tubig mula sa Agno River System ayon narin sa deriktiba ng gobernador.


Facebook Comments