Cauayan City Summer Sports Clinic, Pinaghahandaan na!

Cauayan City, Isabela – Pinaghahandaan na ng City Sports Development Office ang isasagawang Summer Sports Clinic para sa mga kabataan pagkatapos ng Midterm Election dito sa lungsod ng Cauayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Jonathan Medrano, Cauayan City Sports Development Officer sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Aniya, nakipag-ugnayan na ang kanyang grupo sa mga lokal na opisyal at mga Sangguniang Kabataan upang maipaalam sa iba pang mga kabataan ang nasabing aktibidad.


Ito anya ay libre at walang babayaran ang mga dadalong kabataan sa lahat ng uri ng laro.

Ayon pa kay Ginoong Medrano, naghahanda na rin sila ng samut- saring mga palaro upang mas maging produktibo ang mga kabataan at hindi mabakante ang kanilang oras ngayong bakasyon.

Kaugnay nito, gagawing per region ang nasabing aktibidad at mahihiwalay kada Sports Event.

Samantala, iniimbitahan ng nasabing opisyal ang mga kabataan na sumali sa kanilang inilunsad na aktibidad ngayong Summer 2019.

Nakikiusap naman si Ginoong Medrano sa mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak lalo sa usaping sports upang mailayo anya ang mga ito sa masamang gawain.

Facebook Comments