Tatay na mahilig gumuhit, umiikot sa kalsada para kumita ng pera

Courtesy Facebook/Maeriel Aquino

Isang tatay na may talento sa pagguhit ang matiyagang nag-iikot sa iba’t-ibang lugar para sa kanyang pantustos sa buhay.

Noong Abril 29, ibinahagi ni Facebook user Maeriel Aquino ang naging karanasan nila kay Tatay Art Cuvinar. Kuwento ni Maeriel, kasama niya ang pinsan na si Kendra ng biglaan lapitan ni Tatay Art. Biglang kinausap at hinaplos ang buhok ng bata at tinanong kung kaarawan ba nito dahil sa suot na damit. Sumagot si Kendra na paborito niya ang Disney Princesses kaya ganun ang pananamit niya.

Dahil sa takot, tinawag ng dalaga ang kanyang tiyuhin upang kausapin ang matanda at nalaman nila na gusto lang niya i-guhit ang bata. Ayon kay Tatay Art, hindi siya makakuha ng maayos na puwesto kaya nag-iikot nalang siya at nag-aalok ng kanyang serbisyo para kumita ng pera. Tuwing Sabado at Linggo, sa Scrapyard Restaurant kung saan sila kumain, madalas na naglalagi ang matanda.


Mapapansin na kamukhang-kamukha ni Kendra ang iginuhit ni Tatay Art at binayaran nila ito sa halagang 150 pesos.

Nanawagan si Maeriel na tulungan ang matanda sa kanyang ikinabubuhay at huwag mag-alinlangan kapag nilapitan kayo. Inilagay din niya ang contact number para sa mga taong gustong tulungan ang matanda.

Sa ngayon, umabot na sa 49,000 likes at 21,000 shares ang nasabing post.

 

 

 

 

Facebook Comments