CAUAYAN CITY, TOP 2 SA MAY MATAAS NA VACCINATION RATE SA IKAAPAT HANGGANG ANIM NA DISTRITO NG ISABELA

Cauayan City, Isabela- Pumangalawa ang lungsod ng Cauayan sa mga lugar na may mataas na vaccination rate sa ikaapat hanggang ika-anim na distrito ng Isabela.

Ayon kay Nurse 1 Vianney Uy ng CHO 1, top 1 ang bayan ng Luna habang pang Top 2 naman ang Cauayan City na nakapagbakuna ng maraming indibidwal na aabot sa mahigit walumpung porsyento sa total population ng Lungsod.

Sa kasalukuyan ay nasa 93.4 percent na ang nabakunahan ng first dose sa total population ng Cauayan City habang nasa 87.6 percent naman ang nabigyan na ng second dose o maituturing na fully vaccinated.

Sa kabuuan, nasa mahigit 12 percent pa sa populasyon ng Cauayan City ang kailangang mabakunahan para maabot ang 100 percent na target vaccination rate habang nasa 7 percent pa ang kailangang mabigyan ng second dose.

Bagamat mataas na ang vaxx rate ng Cauayan City ay pinapaalalahanan pa rin ang publiko na sumunod pa rin sa health protocols dahil nandyan pa rin ang banta ng Coronavirus.

Samantala, patuloy din na nananawagan ang City health office sa mga unvaccinated individuals na magpabakuna na ganun na rin sa mga hindi pa naturukan ng booster dose na magtungo lamang sa mga vaccination areas para sa pagpapabakuna.

Facebook Comments