CAUAYAN CITY, TULOY ANG CAVRAA HOSTING!

87

Cauayan City, Isabela – Optimistiko ang DepEd Cauayan Division na magiging matagumpay ang hosting nila sa Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) sa February 2020.

Ito ay sa kabila ng agam agam at pangamba ng ilan na alanganing matapos ang venue. Siniguro ni Dr. Fred Gumaru, Schools Division Superintendent ng Cauayan City na matatapos sa takdang panahon ang mga itinatayong sports facilities. Dagdag pa ni Dr. Gumaru na nakausap nila ang Engineer incharge at siniguro nito na matatapos ang mga ito hanggang Disyempre ngayong taon.


Ipinagmalaki pa ng Superintendent na ang mga ipinapatayo ay pinaka bago, pinaka malaki at pinaka ideal na sports facilities sa buong region 2.

Nakatutok ngayon ang DepEd Cauayan na mapa angat ang ika walong ranking nila sa nakaraang pagsasagawa ng CAVRAA. Inaasahan ng pamunuan ni Dr Gumaru na hahakot sila ng medalya sa mga individual Sports Discipline. Para mabantayan ito ay nag hire sila ng mga coaches mula sa kalakhang Maynila.

Ito ang kauna unahang hosting ng DepEd Cauayan City mula noong maihiwalay ito sa Division of Isabela.

Facebook Comments

From Advertisers