Nakahanda na ang City Veterinary Office para sa gagawing pamamahagi ng sentinel pigs sa 77 beneficiaries dito sa Lungsod ng Cauayan ngayong araw, Setyembre 28, 2022.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Ronald Dalauidao, mamimigay muli ang kanilang tanggapan ng 77 sentinel piglets sa 77 hog raisers na 2nd batch na naapektuhan noon sa pagtama ng African Swine Fever (ASF).
Galing sa Department of Agriculture ang mga ipamimigay na biik bilang tulong sa mga namatayan ng alagang baboy.
Pangungunahan naman ni Dr. Dalauidao ang pamimigay ng biik sa mga benepisyaryo.
Kaugnay nito, ang mga mabibigyan ay kinakailangang mayroong malinis na kulungan, walang laman na baboy, nadisinfect at mayroong net para maiwasang madapuan ng sakit ang mga ipapamahaging piglets.
Facebook Comments