Cauayan City, Wagi sa Bambanti Festival 2018

Cauayan City, Isabela – Taas noong ipinagmamalaki ngayon ng mga Cauayeño ang parangal na natanggap ng Lungsod ng Cauayan sa katatapos na Bambanti Festival 2018.

Sa dalawampung bayan at dalawang siuyadad na naglaban laban sa iba’t-ibang kategorya ng paligsahan sa nasabing pagdiriwang, hinirang ang Lungsod ng Cauayan bilang overall Grand Champion.

Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Ginoong Joel La Madrid Menor ng Cauayan City Tourism Office, kanyang ibinahagi na bawat kategorya ng paligsahan sa Bambanti Festival ay may kaukulang puntos kung saan hindi umano nawawala sa listahan ng pasok sa top 5 ang mga entries ng Cauayan City.


Isa rin umano sa mga naging dahilan sa pagkakahirang ng lungsod bilang overall champion ay ang pagiging unique o ang kaibahan ng pagkagawa sa bawat kategoryang nilahukan nito.

Ayon pa kay Ginoong Menor, malaki rin umano ang naiambag ng pagkakaisa ng mga Cauayeño sa nakuhang tagumpay sa naturang festival.

Aniya, taong 2015 pa umano ng huling masungkit ng Cauayan ang kaparehong parangal kaya nararapat na ipagmalaki ng bawat Cauayeño ang nakuhang panalo.

Watch: Cauayan City Dance Showdown Performers sa Bambanti Festival 2018

Sa kasalukyan, wala pa umanong opisyal na detalye kung saan gagamitin ang napanalunang isang milyong pisong premyo.

Facebook Comments