Cauayan District Hospital, Itinanggi ang Paratang na ‘Di Naasikaso ang Isang Pasyente!

Cauayan City- Itinanggi ng pamunuan ng Cauayan District Hospital ang paratang na hindi naasikaso ang isang pasyente na dinala sa kanilang pagamutan noong June 18, 2019.

Ayon kay Dr. Harrison Alejandro, pinuno ng nasabing hospital, batay sa kanilang record ay lumalabas na naasikaso at nabigyan ng sapat na attention ng kanyang manggamot na si Dr. Annabelen Rugnao ang pasyenteng si Nelson Aggari ng barangay Mansibang, Naguilian, Isabela.

Base sa mga dokumento at records ng hospital, nakunan ng mga Vital Sign at nabigyan ng sapat na atensyon ang nasabing pasyente.


Pakiusap naman ni Dr. Alejandro sa mga mamamayan lalo na ang mga kamag anak ng mga pasyente na nagrereklamo na kumuha muna ng sapat na impormasyon at mga dokumento bago gumawa ng hakbang na maaaring ikasira ng kanilang hospital.

Magugunita na una ng napakinggan sa live interview ng 98.5 iFMCauayn sa isang Doctor na nagpakilalang “Mako” na taga Lungsod ng Maynila hinggil sa reklamo nito sa Cauayan District Hospital lalo na sa isang manggagamot na umano’y hindi nagbigay ng sapat na oras upang maasikaso ang kanyang kamag anak na dinala sa naturang pagamutan.

Sa isinagawang pagsisisyast ng pamunuan ng naturang hospital kahapon, maaari umanong hindi naunawaan ng mga kamag-anak ang proseso kung kaya’t nangyari ang nasabing reklamo.

Mayroon din umano silang sinusunod na patakaran sa paglalabas ng mga sensitibong mga dokumento na dapat ay isaalang alang ng mga pasyente o kamag-anak ng pasyente tulad nalang ng pagkuha ng Medico Legal Ceritificate.

Ang naturang dokumento ay naibibigay lamang o naipo-proseso aniya ito sa oras ng alas otso hangang alas singko ng hapon.

Kailangan din aniyang mag-request ang sinuman mula sa PNP at magdala ng ID upang magawa ang ganitong uri ng certification.

Hinikayat din ni Dr. Alejandro ang mga mamamayan na unawain ang kalagayan ng naturang hospital dahil ginagawa naman umano nila ang kanilang makakaya upang mabigyan ng magandang sebisyong medical ang kanilang mga kliyente.

Facebook Comments