Cauayan District Hospital, Nangangailangan ng Healthcare Workers

Cauayan City, Isabela- Ibinahagi ni Dr. Herrison Alejandro, Chief ng Cauayan City District Hospital na nangangailangan ngayon ng mga karagdagang healthcare workers ang ospital.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Alejandro, inatasan aniya ang kanilang ospital na magdagdag na ng manpower upang hindi maapektuhan ang operasyon ng ospital dahil na rin sa pagbaba ng workforce matapos tamaan ng COVID-19 ang ilang mga health workers.

Base aniya sa kanilang pagtaya, nasa mahigit 20 na mga healthworkers ang tinamaan ng COVID simula noong nakaraang taon at lima sa mga ito ay bago lamang na dinpuan ng sakit at may severe cases.


Malaking pilay din ani Dr. Alejandro sa kanilang ospital kung may isa o dalawa na magpositibo dahil maging ang mga nakasalamuha ay kinakailangan rin na ma-isolate.

Samantala, mayroon nang 85 percent sa mga health workers ng CDH ang nabakunahan habang ang ilan sa mga ito ay hindi pabor o kinakailangan pang ikonsulta sa kanilang mga Duktor.

Gayunman, sinabi pa ni Dr. Alejandro na bagamat sila ay nabakunahan, mas maigting pa ang kanilang pag-iingat lalo na’t nagkalat ang COVID sa probinsya.

Facebook Comments