CAUCUS | PDP-Laban hindi pa rin nagkasundo ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Hindi napagkasundo ni Pangulong Rodrigo Dutere ang dalawang paksyon ng PDP-Laban sa kanilang caucus kagabi.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na dumalo din sa nasabing pulong.

Ayon kay Roque, hindi nagkasundo ang panig ni Senador Koko Pimentel at Atty. Bic-Bic Garcia sa kabila ng pamamagitan ni Pangulong Duterte sa mga ito kagabi.


Sinabi din nito na sa susunod na buwan ay inaasahang kakausapin muli ni Pangulong Duterte ang dalawang paksyon.

Pero matatandaan naman na sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na sa pulong kagabi ay nagpahayag ng commitment ang dalawang panig na ayusin ang namamagitang gusot at umaasa naman ang lahat na sa susunod na pulong ay mas mabubuo ang mas malakas na PDP-Laban.

Hinikayat din naman aniya ni Pangulong Duterte ang dalawang paksyon na unahin ang kapakanan ng taumbayan sa lahat ng kanilang magiging desisyon.

Facebook Comments