NAAYOS NA | Maikling tulay sa Adriatico St. Malate Manila binuksan na ng DPWH

18

Manila, Philippines – Makalipas ang halos ang isang taon na isinara ang dalawangpung Metro haba ng tulay sa M. Adriatico Street Malate Manila sa tapat ng Manila Zoo sa wakas ay binuksan na rin ng Department of Public Works and Highway (DPWH) sa mga motorista na nasira isang taon na ang nakalipas dahil pinaradahan ng malaking truck ng basura sa naturang lugar.

Pinangunahan mismo ni DPWH Secretary Mark Villar ang pagbubukas ng naturang tulay na nasira matapos na paradahan ng truck ng basura ng Manila City Government isang taon na ang nakalilipas.

Paliwanag ni Villar malaking tulong ang naturang tulay para maibsan ang nararanasang matinding trapiko sa Manila.

Pinuna naman ng ilang mga motorista ang paggawa ng nasabing tulay dahil kung dati ay flat o deretso ang daanan ngayon anila ay pa-rampa na ang naturang tulay pero kahit papaano ay malaking tulong para maibsan ang trapiko sa Manila.

Facebook Comments