CAUCUS | PRRD pag-aayusin ang nagbabanggaang paksyon sa PDP-Laban

Manila, Philippines – Ngayong araw isasagawa ang caucus na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng PDP-Laban para pagkasunduin ang dalawang paksyon ng partido.

Ito ay kasunod na rin ng sinasabing hindi pagkakaunawaan sa panig ng mga opisyal ng partido partikular sa pagitan nila Senador Koko Pimentel at Rogelio Garcia na nagtanggal kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang Secretary General ng PDP-Laban.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, hindi papayag si Pangulong Duterte na magkawatak-watak ang kanyang partido sa halip ay dapat pa itong palakasin.


Binigyang diin ni Go na malaki ang naitulong ng partido kay Pangulong Duterte para manalo sa halalan kaya at pag-aayusin ni Pangulong Duterte ang dalawang nagbabanggaang paksyon sa PDP-Laban.
Matatandaan na nakausap na ni Go ang dalawang kampo at nagpahayag naman ang mga ito na bukas sila na mag-usap sa harap ng Pangulo.

Nabatid na gagawin ang nasabing pulong sa Diamond Hotel sa Maynila.

Facebook Comments