KUMPISKADO | Mga kontrabando, nakumpiska sa Valenzuela City Jail

35

Valenzuela City – Samu’t saring kontrabando ang nakumpiska sa isinagawang oplan greyhound ng mga tauhan ng BJMP, PNP at PDEA sa Valenzuela City Jail kaninang umaga.

Kabilang sa nakuha ay mga ballpen, pang-ahit, mga kaha ng sigarilyo at lighters.

Nag-negatibo naman sa iligal na droga ang mga ininspeksyong selda.

Ang oplan greyhound ay bahagi ng “oplan linis piitan” na layong malinis ang mga kulungan mula sa iligal na droga at mga kontrabando.

Facebook Comments