CAUGHT IN THE ACT | Ahas na kumain ng nightie ni misis – nahuli ni mister

215

Caught-in-the-act ni mister ang isang ahas na sinusubukang lunukin ng buo ang lingerie ng kanyang asawa.

Kwento ni Sakda Lasada, kauuwi lang niya ng bahay sa Ubon Ratchathani sa Thailand nang makita ang isang golden tree snake sa kanilang kama!

Nang hilahin, nadiskubre niyang kagat-kagat pala nito ang kulay pink na silk nightie ng kanyang misis.

Unti-unting hinatak ni lasada ang ahas hanggang sa mailuwal nito ng buo ang damit.

At sa halip na patawin, pinakawalan pa niya sa labas ng kanyang bahay ang ahas.

Facebook Comments