YUMMY! | Yassi Pressman at Julia Montes – inihalintulad sa ulam ni Coco Martin

419

Manila, Philippines – Tulad ng kanyang lola, love daw ni Coco Martin ang pagluluto.

Noong bata, siya na raw ang assistant ng lola niya sa pagluluto at katunayan nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) ang aktor.

Balak nga raw niyang tayuan ng kahit maliit na karinderia ang kanyang lola para naman daw hindi mainip sa buhay.

Paborito niyang luto ng kanyang lola ang kare-kare, pero kung ihahalintulad siya sa isang ulam, abodo raw siya – habang tumatagal lalong sumasarap.

Inihalintulad naman ni Coco ang leading lady niya ngayon na si Yassi Pressman sa beef steak na isa sa masasarap ding ulam na kanyang natikman.

Habang ang nali-link sa kanya na si Julia Montes, sa kare-kare.

Facebook Comments