Tiniyak ni Cavite Governor Juanito “Jonvic” Remulla Jr., sa publiko na hindi siya makikialam sa kaso ng kanyang anak na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa illegal na droga sa tahanan nito sa Primrose Street, Ponte Verde, BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City.
Sa kaniyang mensahe, inamin nito na pamangkin nitong buo at anak na panganay ni Justice Secretary Boying Remulla si Juanito Remulla III kung saan nakapag-usap na umano sila ni Justice Secretary Boying Remulla at sinabi umano ng kalihim na tinitiyak nito sa publiko na kaniyang hahayaan na harapin ng anak nito na si Juanito Remulla III ang naturang kaso.
Base sa sulat kamay, sinabi nito na bilang isang ama at kalihim ng Department of Justice, mas mananaig umano sa kanya ang sinumpaang tungkulin na ipatupad ang batas ng walang kinikilingan at pinoprotektahan.
Pinasalamatan din ng kalihim ang PDEA sa pagkakaaresto sa kanyang anak at wala aniya siyang hihingiin na anomang pabor sa mga ito.
Ang kalihim ay kasalukuyang nasa Geneva, Switzerland at dumadalo sa United Nation Human Rights Council at nakatakdang bumalik sa bansa mamaya.
Matatandaang inaresto sa kanyang tahanan ang suspek sa Las Piñas City ng mga tauhan ng NAIA Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency ang consignee ng isang parcel na napag-alamang may lamang 937 gramo ng high grade marijuana o kush at nagkakahalaga ng mahigit P1.3 milyon.