Mahigit 500,000 kaso ng COVID-19, gumaling na sa Calabarzon Area

Umakyat na sa 521,089 ang mga gumaling kung saan 133 ang mga bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag ngayong araw kung kaya’t aabot na sa 536,829 ang kabuuang kaso ng nasabing sakit sa buong Calabarzon.

Sa nasabing bilang, 1,950 ang aktibong kaso habang 13,890 naman ang mga nasawi.

Ayon sa Department of Health (DOH) Calabarzon, sa ngayon ay mas pinalalakas pa ang kanilang laban para maging BIDA.


Paliwanag ng DOH Calabarzon na ang ibig sabihin ng BIDA ay,
B- Best fit na mask, suotin sa lahat ng oras
I- Iwasang makihalubilo kung masama ang pakiramdam
D- Doblehin ang proteksyon sa tulong ng bakuna (Primary Series + Booster)
A- Airflow ay panatilihin sa lahat ng lugar.

Hinikayat din ang publiko na huwag kalimutan ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standards na ipinatutupad ng pamahalaan.

Facebook Comments