Cavite Rail Extension project ng DOTr, umarangkada na

Umarangkada na ang Cavite Rail Extension projects ng Department of Transportation ( DOTr) na magdudugtong sa LRT 1 Baclaran patungong Niog sa Bacoor City, Cavite.

 

Dadaanan ng LRT 1 Cavite extension ang Paranaque City at Las Pinas City Patungong Bacoor kung saan Ang naturang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

Ang 11.7 kilometres extension ay may walong bagong LRT station mula Redemptorist Stations, Mia, Asia World , Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Pinas , Zapote at Niog Station.


 

Kapag tuluyan natapos ang proyekto mahigit sa 800,000 commuters ang mapagsisilbihan nito sa kasalukuyang 458,000 na halos doble ang bilang.

 

Facebook Comments