CAVITEX toll rate adjustment, ipatutupad sa Mayo 22 

Sa pakikipagtulungan sa Toll Regulatory Board, ipatutupad na ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) kasama ng joint venture partner nito, na Philippine Reclamation Authority (PRA), ang bagong toll rates sa CAVITEX R-1 segment simula Mayo 22, 2022.

 

Unang inanunsyo ng toll road operator na sisimulan na nito ang paniningil ng bagong toll rates sa CAVITEX R1 (Paranaque Toll Plaza) noong Mayo 12 ngunit ito ay ipinagpaliban para magbigay ng karagdagang oras sa PUV drivers at operators na makarehistro sa toll reprieve program nito.

 

Sa ilalim ng programa, ang mga PUV drivers at operators ay mabibigyan ng rebate upang sila ay makakapagpatuloy ng pagbabayad pa din ng lumang toll rates- P25 para sa Class 1 at P50 sa Class 2.


 

Ang toll reprieve program ay system driven gamit ang Easytrip RFID.

 

Kailangan lamang i-enroll ng drivers at operators ang kanilang Easytrip account sa tulong ng kani-kanilang transport organizations.

 

Tatakbo ang programa sa loob ng siyamnapung (90) araw matapos ang unang araw ng pagimplement ng bagong toll rates.

 

Nagpasalamat ang Toll Regulatroy Board sa CIC at JV partner nito na si PRA para sa kanilang kooperasyon at pagbibigay konsiderasyon sa mass transport groups.

 

Target ng pamunuan ng CAVITEX na ma-enroll ang higi’t kumulang 1,420 mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan na dumadaan sa expressway.

 

Ang naaaprubahang toll rates para sa CAVITEX ay para sa 2011 at 2014 toll periodic petitions, at maging para sa add-on toll petition nito para sa enhancement works na isinagawa sa expressway, kabilang na ang mga isinagawang pagpapalawak ng mga tulay nito.

 

Kaya simula Mayo 22 ang VAT-inclusive toll fees ay P33.00 para sa Class 1 vehicles; P67.00 para sa Class 2; at P100.00 para sa Class 3 na dadaan sa R-1 Expressway (mula CAVITEX Longos Bacoor Entry hanggang MIA Exit, at vice versa).

Facebook Comments