CaVRAA 2018 Chess Event, Pinisak ng Nueva Vizcaya

Tuguegarao City, Cagayan – Dinomina ng Nueva Vizcaya ang Chess Event ng Cagayan Valley Regional Athletic(CavRAA) Meet 2018.

Ito ang lumabas sa pinal na medal tally sa larangan ng chess matapos makopo nila ang sampu sa labing anim na nakalaang gintong medalya para sa Chess Event ng taunang pangrehiyonal na palaro ng Cagayan Valley.

Pumangalawa sa kanila ang Quirino na nakapag-uwi ng apat na gintong medalya.


Samantalang ang Ilagan at Tuguegarao City ay nagkaroon ng tig-isang gintong medalya sa naturang CAVRAA sports event.

Ang kabuuang sampung ginto, tatlong pilak at limang tansong medalya na naiuwi ng Nueva Vizcaya ay mula sa Labug brothers at Bagorio sisters.

Naging rebelasyon naman ang manlalaro ng Quirino Province sa elementarya na sa Raynier Meneses na nakapag-uwi ng gintong medalya sa standard individual event at silver medal sa team standad event.

Ganun din ang female elementary entry ng Tuguegarao City na si Eunice Joy Bucayu na nakuha ang gold medal para sa female elementary standard play.

Ginawa ang closing at awarding ceremony ng CAVRAA 2018 Chess Event bandang alas-kuwatro ng hapon ng Pebrero 27, 2018 sa mismong venue nito na CSU Carig Campus sa Tuguegarao City.

Samantala, sa pinakahuling partial unofficial medal tally mula sa CaVRAA Secretariat ng Dep-ed ay nangunguna pa rin sa medal race ang Cagayan na may 57-55-73 na gold-silver-bronze medal.

Pumapangalawa ang Nueva Vizcaya na may 41-31-49 at pumapangatlo ang Isabela na may 38-33-35 gold-silver-bronze medal.

Nasa pang-walo naman ang Cauayan City sa 6-15-20 nitong gold-silver-bronze medal output.

Ang CAVRAA 2018 ay magtatapos sa Marso 1, 2018.





Facebook Comments