Cayetano, tiniyak na mayroong Unified House of Representatives

32

Ipinakita ni Taguig City Representative Alan Peter Cayetano sa kanyang Facebook live ang suporta ng kanyang mga kapwa mambabatas sa kanyang kandidatura sa house speakership.


Ito ay nangyari sa ginanap na all-party caucus sa kanyang sariling bakuran.

Nanguna sa mga dumalo ay si Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Leyte Representative Martin Romualdez.

Iginiit ni Cayateno – na nagkakaisa silang mga mambabatas dahil iisa ang kanilang adhikain.

Ipinakita rin ni Cayetano ang pagdalo ng higit 50 mambabatas mula sa major political parties, blocs at advocacy groups.

Sinabi rin ni Cayetano – na si Davao City Congressman Paolo Duterte ay magiging House Deputy Speaker for Political Affairs.

Tiniyak din ni Cayetano magkakaroon ng smooth transition of power sa kanila ni Velasco.




Matatandaang pinalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 15-21 month term sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Ang house speaker ay ihahalal ngayong araw, bago ang ika-apat na State of the Nation (SONA) ng Pangulo.

Facebook Comments