Duda ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa isinusulong na panukalang online wedding.
Ayon sa CBCP, maraming pa ring mga Pilipino ang hindi tanggap ang nasabing bagong paraan ng pagpapakasal.
Iginiit ng grupo na hindi dapat minamadali ang pagpapakasal at baka sa nasabing online wedding ay mawawala na ang tinatawag na Filipino Tradition.
Matatandaang isinusulong ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo ang House Bill 7042 ang pagsasagawa ng virtual wedding kaugnay pa rin sa posibleng ‘new normal’ ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Maliban dito, nakasaad din sa panukalang batas na ang mga kasal ng mga Pilipino sa ibang bansa ay puwedeng gawin ng mga consul-general o vice-consul ng Pilipinas.
Una nang isinabatas sa Singapore ang virtual weddings noong Mayo 5, 2020.