Ina ng batikang aktres na si Chanda Romero, pumanaw dahil sa COVID-19

3158

Nagluluksa ang veteran actress na si Chanda Romero at ang kanyang buong pamilya sa pagpanaw ng kanyang inang si Remedios “Meding” Romero.

Binawian ng buhay si Nanay Mmeding noong June 30, 2020 sa Cebu Doctors Hospital, Cebu City dahil sa COVID-19.


Isang larawan ng kanyang ina ang ipinost ng batikang aktres sa kanyang Facebook account kahapon kung saan may caption ito na “no words”.

Ramdam sa maiksing pananalita ni Chanda ang matinding kalungkutan.

Hindi na kasi nakauwi sa Cebu ang aktres, pati ang kanyang ibang mga kapatid, para makita sa huling pagkakataon at makadalo sa cremation ng kanilang ina lalo na’t nananatiling nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod.

Nagpasalamat naman ang kapatid ni Chanda na si Marie Romero Wood sa lahat ng mga nagdasal para sa kanilang ina at pamilya.

Facebook Comments