CBCP, hinamon ang PNP na isabuhay ang mandato nitong "To Serve and Protect"

Manila, Philippines – Hinamon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Philippine National Police (PNP) na isabuhay at panindigan ang kanilang mandatong “To serve and protect”.

Ayon kay CBCP chairman for Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People at Balanga Bishop Ruperto Santos, ang katagang to protect ay nangangahulugan na dapat nilang matiyak ang seguridad ng mamamayan anuman ang kaniyang estado sa buhay at paniniwala sa pulitika.

Aniya, ito rin ay para ipreserba ang buhay maging ang karapatang pantao.


Ang kataga naman aniyang ‘to serve’ ay dapat gampanan ng walang alinmang motibo para sa personal na interes o career enhancement.

Lalabas kasi aniya na ang kanilang pagsisilbi ay hindi maituturing na tunay na serbisyo.

Facebook Comments