Nagpaalala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga deboto o namamanata na hindi nila ine-endorso ang pagsasagawa ng pagpapapako sa krus o paglalatigo tuwing Semana Santa.
Ayon kay CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary, Fr. Jerome Secillano – ang pagpapapako at kamatayan ni Hesukristo sa krus ay sobra pa para ang tao ay tubusin sa kasalanan.
Dagdag pa ni Secillano – hindi rin tama ang pananaw na ang mga gustong saktan at ipako ang kanilang sarili sa krus ay nagpapabawas o magpapatawad sa kanilang kasalanan.
Ang itinuturo ng simbahang Katolika na ang mga nais humingi ng kapatawaran sa kanilang kasalanan ay kailangang magkumpisal.
Kailangan ding dumalo ng misa ang mga Katoliko, magdasal o mag-ayuno.