CBCP, inirekomendang ibudbod sa bunbunan ang tuyong abo sa Ash Wednesday

Image from catholic.org

Imbis na ipahid sa noo, posibleng ibudbod na lamang ang tuyong abo sa bunbunan ng mga Katolikong deboto sa darating na Ash Wednesday.

Ito ang naging utos ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) para maiwasan ang kinatatakutang novel coronavirus (COVID-19).

Ayon sa CBCP, kailangan gumawa ng ilang pag-iingat lalo na at maraming aktibidad tuwing sasapit ang Kuwaresma.


“On Ash Wednesday, during the Imposition of Ashes, ashes can be imposed on the faithful by dropping or sprinkling a small portion of blessed ash on the crown of the head of the faithful with the prescribed formula.”

Nilinaw nila na ang nasabing istilo ng paglalagay ng abo ay parte ng sinaunang tradisyon ng Simbahang Katolika.

Kasama din sa precautionary measures ang hindi paglalagay ng ‘agua bendita’ sa bukana ng simbahan. Mainam daw na hintayin ang pagwiwisik ng holy water sa mga Katolikong deboto.

Pinayuhan din ng CBCP na imbis na halikan o hawakan ang mga krus sa Good Friday, yumuko at lumuhod na lamang bilang tanda ng paggalang.

Nakatakdang gunitain ang Ash Wednesday sa Pebrero 26 na hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma.

Facebook Comments