Ipinapaabot ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang labis na pagluluksa sa pagpanaw ni Dating Pangulong Noynoy Aquino III.
Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, patuloy na alalahanin ng mga Obispo ang malalim na dedikasyon ni PNoy para sa demokrasya, maayos na pamamahala at dignidad.
Nagpapasalamat sila sa pagkakaroon ng mutual respect sa pagitan ng administrasyon at Simbahang Katoliko sa Pilipinas.
Malaki aniya ang naging papel ni dating Pangulong Aquino at kanyang administrasyon para matiyak ang Canonization ni San Pedro Calungsod noong 2012, ang Apostolic Visit ni Pope Francis noong 2015, at ang 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City noong 2016.
Sa huli, ipinapaabot ng CBCP ang kanilang pakikiramay at panalangin sa pamilya Aquino, kaibigay at colleagues ng dating pangulo.
Kaugnay nito, nag-alay ng dasal si bagong Manila Archbisop, His Eminence Jose Cardinal Advincula para sa namayapang pangulo.