MANILA – Magpupulong ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP kaugnay ng sinabi ni Incoming President Rodrgio Duterte.Ayon kay CBCP President Lingayen Archbishop Socrates Villegas, inihahanda na nila ang kanilang sagot sa mga pahayag ni Duterte laban sa kanila.Kabilang sa mga binitiwang pahayag ni Duterte laban sa simbahan ay nang tawagin niya itong “most hypocritical institution,” pati na ang pag-akusa sa ilang mga pari at obispo ng paglabag sa kanilang vow of celibacy.Kaugnay nito, sinabi naman ni Tarlac Doicese Bishop Elect Enrique Macaraeg, na ikinadismaya nila ang mga naging pahayag ni Duterte.Aniya, bukod kasi sa mga pinaplanong polisiya na taliwas sa turo ng simbahang katoliko, nagbitaw rin si Duterte ng ilang akusayon laban sa mga miyembro nito.Tiniyak ni Archbishop Marlo Peralta ng Archdiocese ng Nueva Segovia Ilocos Sur na hindi sila titigil sa pagpuna at pagtatama sa mga maling nakikita nilang sa gobyerno.Giit naman ng mga obispo na dapat magkaroon ng dayalogo para maayos ang anumang gusot sa pagitan ng simbahan at ni Duterte.Hamon naman ng mga obispo kay Duterte, magbigay ng anumang ebidensya at impormasyon hingil sa pagmamalabis ng mga pari para matugunan ng kanilang liderato imbes sa media ito isinisiwalat.
Cbcp, Magpupulong Kaugnay Ng Mga Naging Pahayag Ni Incoming President Rodrgio Duterte
Facebook Comments