CBCP, nagpaliwanag sa nangyaring komosyon sa pagitan ng pari at obispo

Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan ang insidente sa pagitan ng obispo at pari sa St. Joseph Parish ng Gagalangin, Tondo, Maynila.

Sa naging panayam kay Fr. Jerome Secillano, tagapagsalita ng CBCP na nagkaroon ng komosyon sa dapat sanang turnover ng parokya.

Nabatid na inatasan ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias si Parochial Administrator Fr. Alfonso Valeza na lisanin na ang nasabing simbahan dahil na rin sa ilang reklamo sa kaniya pero nagkaroon ng pisikalan ang dalawa base sa kuha ng CCTV habang may mga parishioner pa ang kinompronta ang obispo.


Paliwanag ni Fr. Secillano, ang nangyaring pisikalan ay hindi umano para saktan si Fr. Valeza lalo na’t mas maliit si Bishop Tobias at malayo pa ang edad ng dalawa.

Nabatid na tinanggal sa nasabing simbahan si Fr. Valeza dahil sa hindi umano sumunod sa dalawang taong utos ni Manila Archbishop Jose Advincula na sumailalim siya sa counseling dahil sa kakaiba niyang personalidad.

Iginiit pa ni Fr. Secillano, walang kinalaman ang pagkakatanggal ni Fr. Valeza sa kaniyang parokya dahil sa mga isiniwalat nito na mga corrupt na pari.

Facebook Comments