Nanawagan ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga simbahan na sabay-sabay patunugin ang kanilang kampana mamayang alas-3:00 ng hapon.
Ayin kay Archbishop Romulo Valles, CBCP President, ito ay bilang tugon ng CBCP sa panawagan ng gobyerno na “Buklurang Panalangin ng Pagkakaisa para sugpuin ang COVID-19.”
Ang nasabing hakbang ay panimula na din ng gagawing televised interfaith prayer na inorganisa ng pamahalaan.
Nabatid na katuwang cbcp ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases para gagawing prayer activity kung saan sinabi ni Bishop Oscar Florencio na ang Chaplain Services of the Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mangunguna sa naturang aktibidad
Matatandaan na unang naglabas ng guidelines o panuntunan ang CBCP para sa mga Obispo at mga pari sa bansa kung paano ipagdiwang ang liturhiya ng Semana Santa na nagsimula noong April 5 (Palm Sunday) hanggang April 12 (Easter Sunday).
Sa Mass of the Lord’s Supper sa Holy Thursday o Huwebes Santo, sinabi ng CBCP na ang bawat pari ay kailangang isagawa ang misa na mag-isa habang sa Biyernes Santo naman ay kasama ang Veneration of the Cross.
Pero inaalalahanan ng CBCP na ang mga pari na ang Tagapangasiwa lamang ang gagawa ng halik sa “Veneration of the Cross.”
Para naman sa Easter Vigil o Pasko ng Pagkabuhay, inihayag ng CBCP na dapat lamang itong ipagdiwang sa cathedral at parokya at gaganapin ng hindi mas maaga sa alas-5 ng hapon.