JM de Guzman, humingi ng dasal para sa mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde

224

Humihingi ng dasal ang aktor na si Jm de Guzman para sa mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.


Patuloy pa kasi sa pagpapagaling sina Sylvia at Art sa sakit na COVID-19.

Sa instagram post ni JM, humingi siya ang aktor sa kanyang 2M followers para sa mabilis na paggaling ng veteran actress at asawa nitong businessman.

Kasama sa post ng aktor ang picture ng mag-asawang Sylvia at Art.

Agad naman bumuhos sa comments section ng instagram nito ang mga nagpaabot ng panalangin para sa mag-asawa.

Nabatid malapit si Jm sa pamilya Atayde dahil bukod sa magkatrabaho sila ni Sylvia sa isang teleserye., matagal na rin nali-link ang aktor sa pangalawang anak ng mga Atayde na si Ria Atayde.

Facebook Comments