Humiling ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na mag-alay ng dasal para sa kaligtasan ng mga Pinoy na apektado ng kaguluhan sa Hong Kong.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ito ay para mabigyang linaw ang isipan ng mga nagpo-protesta at magkaroon ng mapayapang solusyon sa kaguluhan.
Pinaalalahanan rin ni Santos ang lahat ng mga Pilipinong nasa Hong Kong na palaging isaisip ang kanilang kaligtasan at sumunod sa lahat ng abiso mula sa mga konsulado ng Pilipinas.
Nabatid na nag-ugat ang marahas na kilos protesta sa Hong Kong matapos tutulan ng mga mamamayan nito ang panukalang batas na extradition law.
Facebook Comments