CBCP, nanawagan sa publiko na sumama sa prusisyon laban sa EJK

Manila, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa publiko na samahan sila para sa isang prusisyon na gaganapin sa EDSA.

Sa inilabas nilang anunsyo, sinabi ni CBCP President Archbishop Socrates Villegas na imbitado ang publiko sa Nobyembre 5 ganap na alas-tres ng hapon para sa prusisyon na gaganapin mula EDSA Shrine hanggang sa people power monument.

Paliwanag ni Villegas, noong Setyembre 23 pa nila sinimulan ang “stop the killing” campaign kaugnay sa mga umano’y biktima ng extra judicial killings sa ilalim ng Duterte administration.


Para sa mga hindi makakadalo sa EDSA event, sinabi ni Villegas na sila ay maglalabas ng kautusan para sa mga pari na magsagawa na lamang ng kahalintulad na palatuntunan sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments