Ipinagtanggol ni Senador Liela De Lima Pastoral Letter ng Catholic Bishops Conference Committee o CBCP kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration na binasa sa mga isinagawang Banal na Misa. Umaasa si De Lima na ang nasabing Pastoral Letter ay magsisilbing wake up call sa aniya’y bangungot na dinaranas ng ating bansa dahil sa patayan at kawalan ng puso ng pamahalaan sa mga mahihirap na biktima ng tokhang. Ayon kay De Lima, ginigising lang tayo ng simbahan, dahil ang huwad na panaginip ng Pangulong Duterte na maisasalba ang ating bayan sa pamamagitan ng patayan ay siyang malaking kahibangan. Giit ni De Lima, nais lang ipaalala ng simabahan ang universal moral values na nakalimutan simula ng ikasa ng gobyerno ang giyera kontra iligal na droga. Ito aniya ay ang pagbabalik loob sa Diyos, pagpapahalaga sa buhay at pagkalinga sa kapwa. Paalala pa ni De Lima, ang ating kaisa-isang Panginoon ay ang Diyos Ama sa langit pa rin, hindi ang huwad na poon sa Palasyo ng Malacañang.
Cbcp Pastoral Letter Kaugnay Sa War On Drugs Ng Gobyerno, Itinuturing Na Wake Up Call Ni Senator De Lima
Facebook Comments