CBCP, suportado ang pagbuo ng bagong departamento para sa mga OFW’s

Suportado ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang pagbuo ng departamento na tutulong sa pangangailangan ng Overseas Filipino Workers o OFW’s.

 

Ayon sa CBCP, ang hangarin ng pamahalaan na maitatag ang Department of OFW ang magiging daan daw upang matiyak ang kapakanan ng mga migrant workers.

 

Maliban kasi na mapapamadali nito ang mga transaksyon na kakailanganing gawin ng isang ofw, maiiwasan na rin na mabiktima silan ng illegal recruitment o kaya ng scam.


 

Inaasahan na sa December ay magiging opetational na nag bagong departamento kung saan pabor din naman si Estrelita Hizon ang POEA governing board private sector representative pero aniya kung sakaling matuloy. Nangangamba sila na baka mas lalong dumami ang mga illegal recruiter.

 

Umaasa naman siya na magiging maayos ang pagbabalangkas ng bubuuing bagong Departamento para sa OFW’s.

Facebook Comments